(Part 14) Sleeping time.

Expected ko talaga eh hindi ako makakatulog eh. Ganun kasi ako, hirap matulog sa ibang bahay o lugar. After ko magbihis, naghanap na ko ng pwesto.

Si Amante, bago kong ka-friend. Hahaha. Magkatapat kami ng piniling foam tapos nagkwentuhan kami tungkol sa UP, sa tour, sa buhay, sa future, sa environement, sa global warming. Joke lang. Haha basta saglit lang din yung pag-uusap namin kasi inantok na ‘ko. Ang sakit ng katawan ko na parang ang sarap humiga.

Ayun naman. Nakatulog ako. Tapos medyo nagigising-gising kapag maingay. Tapos nagtalukbong ako kasi ang lamig sobra. Tapos nagising ako nang pawis. Di ko na alan kung anong oras sila natulog eh. Basta, parang ang weird kasi tulog ako pero parang aware ako sa nangyayari. Hahaha. Ang alam ko may lumalandi dun sa Rhussel eh. Tapos may naririnig akong oreo at chocolate chips. Tapos, kung di ako nagkakamali, may tumabi sa ‘kin eh. Shet may talent ako? Sabay nananaginip lang pala ko oh. Hahaha.

At diyan nagtapos ang unang araw ng camp.

(Part 13) Valuing Friendship. Colorful Strings.

Ito yung topic na diniscuss ni Kuya Jerjie bago kami paupuin with our buddies kaninang umaga.

I seated beside Elle syempre.

We were given a pink piece of paper and they asked us to write our negative traits dun sa paper na ‘yun. Okaaaay, automatically alam ko na ang gagawin kasi I am seeing a campfire sa labas. Well ayun na nga, pinalabas kami at pinasunog sa ‘min yung papel. Ang init lang. Ang hot ko daw kase.

Nagpicture muna kami ni Elle. (Yun yung picture na nakasama sa part before this.) Then the next activity was simple yet very remarkable on my part.

May 5 strings, each representing a wish. We were given a bundle, tapos itatali siya sa wrist ng gusto mong pagbigyan nun.

Blue string represents peace of mind.

White string represents good health.

Yellow string represents happiness.

Red string represents, syempre, loooove.

Green string represents money and career.

Hinanap ko kagad yung dalawang unang friends ko, si Tin at si Christelle kasi di ko sila mahanap. Pero nagreserve na ko. Binigyan ko sila ng all five strings. Sila lang yata binigyan ko ng ganun. Ay, si Ate Jel pa pala yata kasi nga, ayun. Pati si Kuya Jedd binigyan ko ng all five nung nakakuha ako ng extra strings. Sya nga kasi yung nagrecruit sa kin at ang dami kong nahinging strings sa kaniya.

Tapos, pili lang yung binigyan ko ng red! Si Lyn, Dianne, tsaka yung iba kong groupmates na red team nung Amazing Race. Si Lance, di ko nakita eh kaya di ko yata nabigyan. Si Ate Tin naman, binigyan ko ng tatlong Yellow, kasi talagang ang saya niya lang. Haha. Si kuiya naldz, inubos ko rin sa kanya yung apat na green kasi kailangan niya yun. Lol. Si Kuya Bryan naalala ko nung binigyan niya ko, ang dami niyang sinabi. Tapos may nag-react sa gilid ko. Sabi, “parang dasal!” Hahaha.

Sino pa bang tanda ko? Basta ayun. Naka-apat yata akong hingi ng bundle! Haha.

May tinago pa kong strings sa bulsa nun eh. Dapat kay Ate Cathy kaso di ko sya malapitan.

After nga pala nun, ginather kami sa loob ng kusina. Isusurpresa kasi si Kirk pala! Birth month nya pala kasi! Natuwa naman ako. Parang, wow, pamilyang-pamilya talaga. Tapos, ang tagal namin sa kusina. Ang dilim pa. Tapos isa pa ko dun sa mga nasa pinakaharap. Bilib ako sa acting ni Miss A. Wala kong masabe. :)

Ayun na. Kala ko hindi magpapahiran ng cake pero mali akala ko. Hahaha. Nung si Kuya Nilo yung manglalagay, nakaiwas ako eh. Tapos dumating si Kuya Bryan, pinahiran ako sa bandang tenga. Lagkit na lagkit ako nun oh. Haha. Happy birthday, Kirk! Ice cream parteeeeey! Naguilty nga pala ko kasi naubusan ng kutsara dun sa mesa. Eh nakakuha ako. Nagtanong sila Tin at Christelle kung san may kutsara. Sabi ko sa loob. Eh habang kumukuha, walang kutsara si Dianne, edi binigay ko na lang. Ayun bale naabutan ko rin silang dalawa na kumuha sa loob.

Then umupo kaming tatlo. Usap-usap. Tapos sumali na rin si Germar na nagbigay ng mind game. Tapos, basta. parang ayoko nang matapos yung gabing yun kahit alam kong lagpas ala una na ng madaling araw.

Tapos… nararamdaman kong mahaba na tong post na to. At tapos, puro na ako “tapos” ng “tapos”. Tapos, ang sabaw na nga mga tinatype ko. Tapos, pasensya.

Tapusin ko na nga ‘to. Pweh.

(Part 12) Blindfolds.

Nilagyan kaming lahat ng blindfold. Actually nakakakita naman kung tutuusin pero mas pinili kong pumikit para exciting. May nagtayo sa kin tapos dinala ako sa gitna. Ganun din yung ginawa sa iba. So lahat kami ay nasa gitna na. Pinaturo sa ‘min kung nasan ang Manila. Katuwa lang, di ako sure eh.

Ito yung topic na diniscuss ni Kuya Jerjie before ng best part of the night.

After nun, ininstruct na kami ng gagawin. We have to build a circle with only using our communication. So ayun, naghanap na ako. Tanong-tanong kung sino yung kahawak ko. Kala ko ang dali lang, swear. Eh may mga nahawakan ako tapos tanong ako ng tanong kung sino pero hindi sumasagot. Tapos hihilahin ako kung saan tapos bibitawan. Nawirduhan ako nung una. Tapos biglang, OWKAAAAY SO THIS IS IT. Challenge! So naghanap ako ng mahahawakan. Sa right hand ko, may babae. Nung tinanong ko kung sino, si Tin pala! Sa right ko naman, si Oreo! Si Oreo na mutual friend namin ng kaklase ko sa totoong buhay. Haha. Ayun, sila na yung naging kahawak ko for the rest of the activity.

I was enjoying it, really. Except for the fact na napipikon ako kapag may naglilider-lideran. Well, Tin thought of an idea. Countdown. It started with her, then gripping the right hand would indicate the next to shout the next number. Probably ako yung last and sa unang countdown namin, 27 lang ko. We’re supposed to be 32. So may small circle nga sa loob. We tried again then we had 32 na. Kaso hindi daw circle yun. Then nung makabuo na kami ng circle, nagbago na raw ang gusto ni Miss A, square na raw. Good thing 32 kami, divisible by 4.

Dun kami tumagal. Nung una madali lang eh. Bilang ng 8. Then next 8. Then next. Kaso nagkakaproblema sa pagbuo ng corners. May problem sa angle. Ganun. Then voices came commanding na. Parang, okay sige I’ll listen. Buti na lang, sabi ko kay Tin, wala kami sa corner kasi hindi ko talaga nagegets yung instructions nila. May step backwards pa. May put the hand sa tummy. At may hubad pa ng sapatos!

Right. Haha. Bakit maghuhubad? Pero sige lang. Di naman ako odd number sa bilang eh. Kasi odd lang daw yung maghuhubad. Para alternate at para may isang tao na stable. At dun ako nabadtrip. Kasi kinakapa nila yung masking tape na nasa sahig. Eh ako nakikikapa rin gamit sapatos ko. Tapos, may lalaking nagsalita sa harap ko, “Pano mo makakapa eh hindi ka naman naghubad ng sapatos!” Badtrip. Basta yung tono nya, parang inaakusahan ako na nanggugulang or what, o basta, parang, hay. I know it’s all part of the act. Pero, hay nevermind. I just can’t stand that feeling. Anyways, okay na yung 3 corners daw. Yung isa na lang. At alam naming yung samin nila Tin yun.

Ayaw pa kasi nilang maniwala na imposible na nga sa part namin kasi ang laki ng gaps ng arms nila. Hindi sila intact. Ayaw pa rin nilang mag-start mula sa umpisa. After a while ayun nag-start na lang ulit mag-count ng 1-to-8. Well nung nafifeel kong malapit na kami magsucceed, may mga boses na ang creepy talaga. Alam kong sila-sila lang yun pero bakit kaya ako kinikilabutan. Hahaha para kasi silang mga demonyo talaga makatawa.

May isa pa palang incident na tawa ako ng tawa. May babaeng nanggugulo sa harap namin. Eh tinry ni Tin hawakan kung sino. Sabi niya, “Ay! Si Ate Cathy to! Walang damit sa baba eh.” Hahahaha! Napasabi tuloy siya ng “Grabe diskriminasyon. Haha” Tapos may mga nanghahaplos ng leeg, nangingiliti. Okay. Hahaha.

Ayun, nung pinatanggal na ni Miss A yung blindfolds, naexcite ako. Pagdilat ko, square nga kami! Ang saya lang sa feeling! Nakakamangha!

(Part 11) SOCIALS NIGHT!

Wild wild west, beybeh!

Nagbihis na kami ng pang-cowboy at cowgirl namin.

Rumampa yung mga facis at CAs. At tama yung hula ko, kami naman yung paparampahin after. Actually tinatamad ako nun. Kung pwede lang magtago. Tapos nung makita kong si Tin na yung magnenext yata sa kabilang side, eh dito naman sa side ko ako na yung next na lalaki, tumayo na ‘ko. Pero ‘di pala si Tin yung makakapartner ko. Kundi si Elle. Ayyyyy, si Elle? Hahaha joke lang, Elle! Syempre happy ako kasi buddies kami nun! Diba, Elle? :)

WOW BLURRED. :)

Kala ko naman kung anong gagawin sa gabing ‘to. Mga laro pala. Ayun, syempre si Kuya Naldz at Germar ang  pambato namin. Ang saya lang. Lalo yung second game. Si Germar ang pambato namin at nakakataw yung mga posing nya sa “Touch The Color”. Hahaha.

Pero di dun nagtatapos ang saya. May mga presentations pa diba. At dahil numero uno kami sa pagvolunteer ng iba eh kami tuloy ang inuna. Ayun, natorete na nga kami. Haha. Yung algo naman namin, joke time lang. Hahaha naka-apat na try yata kami pero, basta naka-apat na try kami. Hahaha.

Oh well halos lahat naman ang pangit ng algo. Yung kila Danielle, pa-safe pero ayun natapos naman nila. :) Pinaka natuwa ako eh yung sa algo ng facis. Talino eh. Hahaha. Tapos, yung presentation din ng facis yung pinaka-enjoy. Ay wait, yung kila Amante rin pala. Tapos yung kila Danielle, laughtrip grabe. Kaso yung tula… nevermind.

(Part 10) Can’t think of a title.

Basta, sa pool talagang di na ko masyado makakilos kasi bukod sa giniginaw na ‘ko eh ang sakit na talaga ng sugat ko. Buti naisipan na nilang magpalit na para makapagpractice na kami ng ipepresent namin para sa social’s night.

Ang tagal ko bago nakapag-shower kasi naman ang daming nauna. Lima yung shower-an kaso yung isa, butas yung kurtina. Nagbihis muna ko ng ibang damit tapos niyaya ko si Jayson na mag-dinner na kami. Ayun, tumabi kami kay Rhussel at kay Danielle. Manok yung ulam nung gabi, napadami tuloy kain ko.

Sabi nga pala ni Danielle, nagkita na raw kami. Oo nga naalala ko nakalaban pala namin ang Muntinlupa Science sa Rube Goldberg sa APC. Ay nako isa yun sa mga di ko makakalimutang contest eh. Anyways, paki nyo naman diba kaya di ko na kekwento hahahaha.

Nagpractice na kami gn grupo ko. Kakanta daw kami. Medley tapos may gitara. Oo singer ako eh. Hahahahaha. Nice naman yung mga kanta. High. Tapos Torete. Tapos Crazy For You. Nakakahigh. Nakakatorete. At nakakabaliw. Oh yeah.

Bago ko makalimutan:Ginamot nga pala ni Ate Jel yung sugat ko.

Nanghingi lang kasi ako ng band-aid pero nag-insist siya na gagamutin na niya. Ang sweet lang eh. Haha. Ang bait nya talaga. Ako pa naman yung tao na mas pinapahalagahan yung pinakamaliit na effort.

(Part 9) The Amazing Race

Right after ng picture-picture eh pinabunot kami ng numbers. 4 nabunot ko. Akala ko kami na magkakagrupo pero nung kinausap kami, hindi pa pala. Isa-isang kinausap ang magkakaparehas ng numbers na nakuha. Ang role daw namin sa magiging kagrupo namin ay mga reklamador. Nung marinig ko pa lang yun, nag-worry na kagad ako kasi, whut. All of a sudden biglang mag-iiba ka ng katauhan? Pati mga kaparehas ko, di alam pano gagawin. Hahaha.

Nung ginrupo na, eto ang naging grupo ko:

(From left: Lance, Ako, Russel, Loislane, Dianne, Christelle)

Si Ate Jel ang na-assign sa ‘min.

Unang clue, naguluhan ako dun sa language ek ek. Hahahaha. Sorry pero nalabuan ako eh. Pero nagets ko na sya nung kinalaunan. Unang stop, sa pool. Nasakin pa ata yung piso na nakuha namin do’n. Di ko na kabisado sunud-sunod na nangyari eh. Basta umakyat kami ng hagdan. Tapos tumawid din kami sa tulay na tubig yung ilalim. Tapos nag-step sa linya ng mga gulong. Tapos heto, ang pinakamemorable sa kin eh yung sa balsa.

Pagdating namin dun eh ang dami nang nauna. Gawa sa bamboo yung platform kung san nakatali yung mga balsa. Kaming dalawa ni Russel yung magsasagwan. Kumuha na ‘ko ng life vest, then sakto, lumusot yung paa ko sa butas. May opening kasi na gawa ng bamboo. Nadulas kasi ako, so lumusot hanggang tuhod ko. Kala ko madali lang tanggalin, eh nung tinry ko, nagpanis ako sa loob ko kasi hindi siya kasya pag tinatanggal. Tinulungan ako ni Kuya Bryan. Napasigaw pa ‘ko ng WAG! kasi hihilain niya. Pero siya rin yung nagturo sa ‘kin na mag-side view ako para madali. Wait nahuhuli na kami. So kahit masakit pinilit kong hilahin. Tanggal na. Kuha ng sagwan tapos balsa na. Gusto ko dapat umatras kasi may nagsabing 10 feet daw yung lalim. Buti nakapagpractice ako noon sa Manila Zoo tsaka sa Burnham Park!

Pagtapos, balik sa gulong. Tapos dun sa parang mataas na web. Si Dianne ang umakyat para kunin yung flag. Eh dahil chinese-chinese-an ang language namin, di yata kami nagkaintindihan ni Ate Jel. Ang bilis ni Dianne na nakaakyat. Tapos nakuha na niya. Pero sabi ni Ate Jel tulungan daw namin yung kagrupo namin. Ang gulo talaga. Tapos umakyat na si Lance. Nasa tuktok na sya at naghahanap ng flag nung malaman naming isa lang naman ang flag. Hala, nagulo na. Pinababa kagad namin si Lance at naglakad sa matarik at maputik na daan. Kasabay namin yung grupo ni Kuya Jedd. Grabe ang dilim na nun. Tapos ang putik. Ang damo. Ang kati-kati.

Teka, bakit ngayon ako nagrereklamo, pero nung mismong race eh di ko nagawang makapagreklamo? Hahaha nawala sa isip ko ang pagiging reklamador.

Last stop eh sa pool. Swimming partey. Kaso di ako makapagsaya kasi dun ko lang nalaman na may malaking sugat pala ko at kumikirot sa mga pasa yung tuhod ko. Ang hapdi.

Pasintabi lang. Lol.

Oh well. Ang saya ko rin sa grupo ko na ‘to. Ang bait nilang lahat. Aw.

(Part 8) Pictorial.

Gusto ko lang mag-spam ng photos. Sabi kasi nila, itong camp na raw yung first and last day na makukumpleto kami. Sad but true.

Since Camp 7 kami, I got 7 photos to share.

A better version:

Standing position:

Jump shots:

Pinakamaayos na jump shot:

“……..” Ano na nga pala yung exact na sinabe dito? Hahahaha. Fail ang memory ko.

(Part 7) Integrity Session

I thought of sharing this kasi I thought it may be helpful.

7 Steps To Integrity

(Fck. Nawawala yung notebook ko. Pag nahanap ko na yun promise ilalagay ko na yung seven na yun.)

And para sa activity dito, new groupings na ulit. Kailangang gumawa ng 60-second commercial endorsing your product and endorsing integrity rin. Kagroup ko ang makulit na si Danielle. Hahaha. Kaya yun, naging roleplay ang commercial namin na inabot ng 3 minutes. 3 minutes na puro tawanan. 3 minutes ng lokohan. Hahaha.

“SA GRLA SOAP, MAY PANININDIGAN.”

(Part 6) The very very fun theory

Nakakatuwa lang. Oo nga naman, iba yung power ng fun. People can make you do things just because you’re having fun at doing it.

Isang example ay yung sort of experiment na sa isang building, pinalitan nila ng kulay yung stairs para magmukhang piano and they made it in some kind of way na tutunog siya for every step. Katabi ng stairs yung escalator. At the end of the day, a lot more people chose to use the stairs than to go for the escalator. Another is yung trash can na pag naghulog ka ng kalat eh tutunog. At the end of the day, mas maraming garbage ang nakolekta than usual.

After nun, societal problems na yung topic. New groupings na. Share the top 2 na biggest societal problem para sa ‘yo. Nung time na na ipopost yung top 10 ng per group, ang lakas ng tawanan kasi tipong pagalingan ng choice of words ang dating. May ‘misallocation of resources’ at ‘devastation of environment’. Ang saya lang lalo nung ginrupo na kasi katabi ko si Kuya Reynald (siya yung pinakamatanda sa group, graduate na siya) tapos tawa lang kami ng tawa sa mga sinisigaw niya. Hahaha.

Then at the end, namili ng top 4 na problems based dun sa mga nacategorize na. Then dinistribute yung apat na yun sa mga groups. Values Formation yung sa ‘min, kasama na dun yung sa education, family problems, discipline, etc. At eto ang task: mag-isip ng invention na makakatulong malutas yung problem, at dapat maincorporate yung Fun Theory.

Ang hirap lang talaga mag-isip. Ako honestly wala talagang idea na lumabas sa ‘kin. Hahaha. Kumain nga rin pala kami ng spaghetti habang nag-be-brainstorm. Pinilit kong ubusin.

Finally, naisip na namin na sa pagtawid na lang yung sosolusyunan namin. Instead na tumawid sa maling tawiran eh nakaisip kami ng over pass na mirror yung wall. Mirror na pag naglakad ka eh iba yung figure na mai-mamanifest pero pareho yung galaw. Oh diba, mas pipiliin nga namang tumawid ng tao sa tamang tawiran kung enjoy yung experience dun. Tawa lang kami sa kung paano idedemonstrate sa harap yung invention. Nag-on the spot tuloy kami. Haha kami yung may pinaka-maikling presentation.

Heto nga pala yung grupo ko (na macoconsider kong grupo ko na pinaka-nag-enjoy ako):

(From left: Anna, Germar, Kristelle, Ako, Kuya Naldz, Bea, Jayson, Rhys)

At heto naman yung obra namin:

OOOOOOOOWVVVERPASSSSS!

(Part 5) Lunch and other stuffs

First true meal of the day. I seated with Elle, my new friend. Kailangan daw kasing maglunch together ang mag-buddy para dun sa activity na binigay bago kumain. Mungo, isa sa mga paburito ko. Tapos porkchop. Okay, busog ako.

Umupo nga pala sa tabi ko si Ate Hazel, isa sa mga CAs. Then nakisingit rin sa tabi ko si Ate Jel na makulit at cute.

Ang saya lang kasi close si Elle sa kanilang lahat na kuya at ate.

Umulan pa ng malakas nun! Tapos, 1:30 PM palang pero parang maggagabi na. Then, after niyang kumain, nagsagot na sya nung dapat sagutan. Ako naman, hindi pa. Wala kasi akong maisip. Hanggang sa umalis na sya kasi magbibihis muna daw sya. Ako naman, nagpaiwan para sagutan yung papel. About sa pagiging leader yun eh. Ayokong maging plastik sa mga sagot ko kaya talagang iniisip ko kung anong dapat isulat. Ako na lang mag-isa sa long table namin. Tinawag pa ‘ko ni Dianne, niyaya akong maki-join sa table nila. Sabi ko nagsasagot kasi ako. Ang bait pala niya.

After nun, pinuntahan ko na si Elle. Tapos nagpalit na rin ako ng shorts. Balik na ng session hall.

(Part 4) What is this for?

As much as gusto kong paikliin kada part, eh hindi ko magawa. Sorry.

Alright. Nagtataka siguro kayo kung bakit at para san tong camp na dinadaldal ko. Well, ang una kasi naming activity ay mainly about dun. Ano yung Gerry Roxas Leadership Award. Anong feeling nung makuha to. Bakit tingin mo nabigyan ka neto. Blah blah blah. Eto yung mga ka-group ko:

First groupings yan at honestly wala kong kilala ni isa sa kanila niyan.

Ididiscuss ko yan sa sarili kong paraan. Ang boring kasi kung gagayahin ko lang yung nakita ko sa activity namin. Game?

Yan yung medal. Gerry Roxas Leadership Award. Wag nyo na pansinin yung maling spelling ng pangalan ko, kung napansin mo man. Ilang weeks bago mag-graduation eh pinaulit-ulit sa ‘kin ni Ma’am Bayani (guidance counselor) na ang ganda-ganda daw ng Gerry Roxas na medal. Oo lang ako ng oo. Nasa isip ko, “sino ba si Gerry Roxas? Sasaya ba ako pag nabigyan ako nun? Yayaman ba ako? Makukumpleto ba buhay ko? Hay. Isa lang namang medal yan, gaya lang ng ibang sponsored medals.”

So kaplastikan yung sagot ko sa activity namin na “great”. Pinilit pa kasi akong magsulat eh ayaw ko nga. Hahaha.

Wala rin akong idea kung bakit siya binigay, though alam ko dahil nga president ako ng school. Ayun na ‘yun. Wala akong idea sino siya, bakit siya namimigay ng award? Aba, mayaman siya. Siya na! Siya na mapagbigay.

Pero, after ng activity na ‘yun, namulat yung isa kong mata. Isa lang kasi hindi naman talaga full. Naintindihan kong si Gerry Roxas ay isa nang legacy. Whut, tama ba pinagsasasabi ko. Basta, ang laki ng nagawa niya. Tatlong salita lang yung tumatak sa ‘kin nun eh. Integrity. Service. At excellence.

Sa pagkakaintindi ko ha, lolo siya ni Mar Roxas. At sa pagkakaalam ko ha, yung camp na kinatatayuan namin ay pagmamay-ari ni Mar Roxas. Astig lang.

So ayun. Wala lang. Wala na kong masabi eh. Kunyari poker face pa rin ako sa mga mangyayari.

(Part 3) On Our Way

Nung nagkukumpleto pa yung ibang grupo na di pa kumpleto (duh malamang), sakto, biglang dumating yung bus. Whut. Di naman late yung bus, sino nagsabing late?

Dapat tatabi ako kila Tin. Kaso kasi gusto kong matulog dapat at gusto kong nasa tabi ng bintana so dun ako sa seat sa tapat ng seat nila umupo. Then, tumabi sa ‘kin si Kuya/Ate Jedd. Siya nga pala yung nag-invite sa ‘kin dito sa camp. Mga sampu yata silang facilitators at camp assistants.

(From left: Tin, Christelle)

(From left: Ako, Kuya Jedd)

Base sa aninong nakita ko, nagtravel kami papuntang East. Talagang inanalyze ko yung daan namin no. Ang bilis. Maya-maya lang nasa Rizal na kami. Maya-maya lang mga bundok na yung nasa gilid namin. Maya-maya lang amoy probinsya na. Maya-maya lang pag tumingin ka sa gilid eh bangin na. Ibig sabihin ang taas na namin. Na-miss ko yung baguio nung mga panahon na yun. Ang dami pang pine trees (pine trees nga ba) sa gilid. Tapos maya-maya pa may mga epal na sanga na nakikipaghaplusan sa mukha mo. Feeling close, muntik na ko.

Honestly, nung huminto yung bus at nagsabing nandun na kami, nadisappoint ako. “Eto na yon?” pero pumasok pa yung bus sa loob pero ganun pa rin, nadagdagan lang ng ‘H’, “Heto na yon?” Korni ko.

Kumain ng lemon square na hindi naman nakatulong sa pagpawi ng gutom. Hahaha. Tapos hindi pa ko uminom nun kasi putek, pinalagay na kagad yung mga gamit sa kwarto. Ay, hindi siya kwarto sorry. Parang room na lagayan lang talaga ng gamit. Buti talaga nagbasa ko ng reminders kaya hindi na ko magugulat na wala kaming kwarto.

Pagdating, binigyan nga pala kami ng shirt. Hiphop! Hanggang siko yata yung shoulder line nya. De joke lang. Ang laki kasi. Tapos nagtaka ko, sa iba naman, di halatang malaki. Ako ba ang may problema? Sila ba? Whatev.