Paulimerization!

I'm Pjay.
I'll always be seventeen.


OLD TAGS:
#my diary #my photo #what the fact #up life #ciem blues #heartbeats #quotes #challenge #amazing grace #365days #2012 bday

ASK OUT! SUBMIT WHAT?

They say the colors blue and pink goes well together. They say two different things that compliment each other naturally manifests their cohesion through time. But I say, it all depends on different prospects and views.

—-

Hello, Diane! Hello, crissira! Hello, crispykwago!

Apat na taon ko na ‘tong kaibigan. Apat nga ba? Eh ayoko nang magbilang. Di naman kami mag-bespren. Di naman kami magkapatid. Mas lalo namang hindi kami mag-jowa! Pero bakit kaya click na click yung pagkatao namin nito?

Simple lang siguro ang sagot sa napakalawak na tanong na ‘yun. Siguro nga, dahil tadhana na ang nagdala kung nasaan tayo ngayon. Badtrip ha, wala akong maisip na ilagay talaga dito. Kasi naman, may utang pa ‘kong sulat at regalo dito, nakakahiya man pero nung nag-Christmas party kami eh ako ang bukod tanging walang nabiling regalo at walang nagawang letter. Pero sige, mamayang gabi gagawin ko na talaga yung sulat.

Ang kulay ng buhay ko dahil sa babaeng ‘to. Sa sobrang kulay para nang sinabawang gulay. Eh bakit ako nag-joke?

Oh basta, lahat yata ng pwedeng kaibiganin sa mundo eh kakaibiganin nito. Ganyan siya kabait. Kaya naman sundan niyo siya dahil malay mo ba kung siya na lang ang kulang sa buhay mo. Tsing!

CRISPYKWAGO.TUMBLR.COM

Oo, siya ang malupit at walang katulad na si kwago. Ang landi-landi, sa dinami-rami ng hayop eh bakit kwago pa? Haha pero syempre tiwala naman ako sa mga desisyon niya kaya sige lang, magsisi ka na sa buhay niyong walang kwenta pero sigurado ‘kong pag sinundan mo to, hinding-hindi ka magsisisi.

CRISSIRA.TUMBLR.COM

Ito yung unang blog niya. Dito siya unang nabuhay at unang nagbukas ng pakpak. Dito siya nagladlad. Hahaha. Pero masaya talagang sundan ‘to kasi nandito yung puso niya. Bilib nga ‘ko kasi hinding-hindi daw niya ‘to iiwan kahit anong mangyari. Ito yung mas malalim na kwago, ito yung mas madaldal na kwago. Ito yung… Basta yan yun!

Ayan ha! Nag-tagalog talaga ‘ko! Haha follow niyo na siya. O sige, kahit check niyo lang. O, tatanggi pa? Bahala ka na nga.

  • 29 December 2011
  • 9